Maalikayang pagbati sa mga dating kaibigan
Sariwa pa rin sa alaala ang magandang samahan
Kantiyawan, kulitan, at malalim na pagkakaibigan
Nabuo sa dalawang taon, Project Laiban Dam
Nakapanghihinayang, mga pangarap na nabinbin
Kung nagtuloy-tuloy sana puro tayo naging PM
Pero okay lang sadyang ganyan ang kapalaran
Nagkahiwa-hiwalay, ang iba'y nangibang-bayan
Maybe, siguro di na alam kung saan-saan napunta
Pero siguradong , naaalala, araw na magkakasama
Hit or miss, mga pare just in case kayo'y makabalita
Ang tulang ito ay para sa inyo, noong tayo'y mga binata
Mga big brothers, sina Marlo, Boyet at Zalameda
Kayo ang panlaban, namuno sa una nating protesta
Maging maayos ang pag-trato, sa atin ng mga Magu
Bilang professional, at tunay na mga enhinyero
Makakalimutan ba natin ang mabait na si Maton
Si E.T. na kaibigan ng incomparable na si Bong
Si Edwin at Calvi, Tisoy, at ang gwapong si Gani
Atlas,Rey Magu, at Ronquillo, Jess, Albert, at si Ely
Ang ating mga ninong - Manyaku, Ronald at Doy
Nandoon din si Pay, si Jerry at syempre si Sonny Boy
Sr. na Rick, Freddie, Flavie , Caser , RC, Delfin at Kidlat
And of course, ang walang kamatayan na si Diegong Tabak
Paboritong asarin, Safety Engineer na walang kapantay
Safe na safe sa blasting sa Tanay dahil nasa kanilang bahay
Suma-Kumagai, NIA Consult, Hines, Rafer at si Bornok
Ganyan kasaya at kagulo ang aming buhay sa bundok
I hope you guys will still remember, LD-1 group forever
Next 8 years natin sa Balara, sama-sama na naperder
Maybe next year, maybe never, if ever, where ever ...
Now we're 30 years older, Re-union tayo mga ser ?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
WANTED : PERFECT MOTHER
Video 48: THE SEVENTIES # 87: DANTE RIVERO, BOOTS ANSON-ROA ... : "Wanted: Perfect Mother" (1970) Lea Productions Manila Film Fe...
-
Karugtong ito ng kahapon, LD-I ay napostpone Laiban engineers ay inipon, sa Balara itinapon "Ang gugulo at kulit n'yo", mg...
-
I guess my life really turned out to be like a poem Things are so bad I am not sure what is going on ... But I treat everything just li...
-
Guess that's the reason why they can't define love Its so difficult to describe, and so hard to figure out But what the hell ! who...
No comments:
Post a Comment