Wednesday, September 6, 2017

REMEMBERING "LOLA"

I actually wrote this poem last June in a scratch paper then lost track of it ... but better late than never

Ika-19 Hunyo, birthday ng mahal kong lola
35 years na pero lagi ko pa rin siyang naaalala
Sa aking pagtanda di pala natin malilimutan
Kung sino ang naging gabay sa ating kamusmusan

Bahay sa Sinaliw na aking kinamulatan
Sa mga gawaing bahay ako'y laging katuwang
Maghimay ng mais, kagyos, kakaw at tapilan
Magpili ng bato sa bigas na galing sa pakiskisan

Hanggang sa pagbibinata sila ang pasyalan
Kasama ang mga boarders sa aming kwentuhan
Sina Ate Nita, Kuya Flor, Nado, Luding at Ising
Nandon din si Jake, Puri, Aida, Jovy at Ate Maring

Maraming taon din kaming nagka-sama-sama
Halos bawa't gabi ay puno saya, meron pang merienda
At pangkaraniwan pagsapit ng gabi, sa aking pag-uwi
Mayroon pang pakimkim ang Lolo kong pogi ...

Subali't katulad ng bawat buhay, mayroon ding katapusan
Si Lola ay nagkasakit dahil na rin sa kanyang katandaan
Aniya'y huwag daw naming isipin na siya ay nahihirapan
Ang  pagkakasakit ay siya magpapagaan sa kanyang paglisan

Natatandaan ko pa ang lagi niyang bilin sa akin
Magbabait ka, apo  at palagi mong iisipin ...
Dalawang bagay ang huwag mong gagawin,
Lumabag sa batas, huwag maging sakri at mainggitin

Huwag ka nang magpuyat kapag ako ay dumadaing
Hindi ka naman doktor para ako ay mapagaling ...
Steady ka lang diyan at matulog ng mahimbing
Kapag kailangan saka ka na lamang namin gigisingin

Nandito naman si "Iko" at ako'y maglalambing
Ang haplos niya ang papawi sa anumang masakit sa akin
Huwag kang malulungkot sa araw ng aking pagpanaw
Masaya akong aalis, lilisan sa mundong ibabaw ...

Ang Lolo Iko mo ay huwag mong alalahanin ...
Di maglilipat taon kami muling pagtatagpuin
Sa kabilang buhay siya ay aking hihintayin
Ang inyong buhay na lang ang inyong ayusin ...

No comments:

Post a Comment

WANTED : PERFECT MOTHER

Video 48: THE SEVENTIES # 87: DANTE RIVERO, BOOTS ANSON-ROA ... : "Wanted: Perfect Mother" (1970) Lea Productions Manila Film Fe...